Halaga ng pinsalang iniwan ng El Niño sa agri sector ng Pilipinas, pumalo sa P9.9-B; Pamahalaan, di pinababayaan ang mga mangingisda at magsasaka na apektado ng tag-tuyot

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umakyat sa P9.9 billion ang halaga ng pinsalang iniwan sa agri sector, nationwide, nang pagtama ng matinding tag-tuyot sa Pilipinas.

Sa Pre SONA briefing, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na kasama na rin dito ang naging problema ng mag magsasaka sa mga peste.

Dahil dito, sila aniya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kaliwa’t kanan ang ginawang pagbaba sa iba’t ibang bahagi ng bansa, upang personal na ipamahagi ang mga tulong ng pamahalaan.

Sabi ng kalihim, ilan lamang sa mga ibinibigay ng pamahalaan simula pa noong Abril ay ang mga binhi, abono, fishing gears, mga bangka, farm input at machineries.

Bukod pa dito ang presidential assistance para sa mga provincial government.

“Kita ninyo naman since April pa ito, two days a week ang ikot at pinupuntahan talaga namin lahat ng lugar na tinamaan at nagbibigay tayo ng seeds, fertilizers, farm equipment at fuel assistance para…and nagbibigay din ang gobyerno natin ng kaunting ayuda para ma-help start up ulit at makapag-tanim ulit ang mga magsasaka.” —Secretary Laurel. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us