Pumalo sa halos isang bilyong piso ang nakolekta ng Land Transportation Office (LTO) mula sa mga penalites sa mga pasaway na motorista sa unang anim na buwan ng 2024.
Sa datos ng LTO, nasa kabuuang 330,073 motorista ang nahuli sa bansa mula January 1 hanggang June 30.
Bagamat hindi lahat ng natiketan ay nagbayad na ng multa, umabot pa rin sa kabuuang P986.5-M ang nakolekta ng LTO hanggang nitong June 30.
Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, bunga na ito ng mas pinaigting na kampanya laban sa mga traffic violator alinsunod na rin sa direktiba ni DOTR Sec. Jaime Bautista.
“The almost P1 billion collection from fines and penalties alone is a result of the hard work of our law enforcers and other personnel on the ground. We cannot achieve this without their dedication and commitment to ensure road safety,” Assec Mendoza.
Inaasahan naman ng LTO na tataas ang revenue collection nito sa oras na asikasuhin rin ng iba pang motorista ang kanilang penalties at fines.
“As much as possible, we in the LTO do not want motorists to pay any fine or penalty. But in the interest of the rule of law and road safety, we have to do this if this is what it takes to compel them to be disciplined and behaved while on the road,”
Dahil dito, kumpiyansa rin ang LTO na maaabot nito ang revenue collection target para sa taong ito na nasa P33-B. | ulat ni Merry Ann Bastasa