May kabuuang 197 partner-beneficiaries ng Projects LAWA (Local Adaptation to Water Access) at BINHI (Breaking Insufficiency through Nutritious Harvest for the Impoverished) ang tumanggap na ng kanilang cash-for-training and -work mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol Region.
Ang mga partner-beneficiaries ay mula sa 10 barangay sa Batuan sa lalawigan ng Masbate.
Bawat isa ay pinagkalooban ng Php7,900 cash assistance, kapalit ng kanilang paglahok sa 20 day-Cash For Training and Work modalities ng programa.
Ang mga proyektong LAWA at BINHI ay idinisenyo upang mapanatili ang produktibidad ng agrikultura sa panahon ng tagtuyot at upang pangasiwaan ang labis na tubig sa mga panahon ng malakas na pag-ulan na nauugnay sa La Niña.
Ito ay kabilang sa mga inobasyon ng DSWD, na nakatuon sa pag-iwas sa mga epekto ng kawalan ng pagkain at kakulangan sa tubig dulot ng El Niño habang naghahanda sa mga posibleng epekto ng cold event.| ulat ni Rey Ferrer