Nasa ₱6.7 milyong halaga ng mga pekeng produkto ang nasabat ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isinagawang operasyon sa Maynila.
Ito ay katumbas ng mahigit 45,000 na piraso ng mga pekeng produkto.
Sa bisa ng search warrant, sinalakay ng NBI-Rizal District Office ang bodega ng dalawang suspek na kinilalang sina Kelvin Chua at Anna Chua dahil sa umano’y pagbebenta ng mga produktong may tatak na TYROLIT.
Ang operasyon ay nag-ugat sa reklamo na inihain laban sa mga suspek dahil sa paglabag sa R.A. 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines.
Nakumpirma ang mga pamemeke ng trademark products matapos ang mga surveilance at test-buy na isinagawa ng NBI. | ulat ni Diane Lear