Nagpasalamat ang National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa Korte sa pagbaba ng hatol na “guilty” laban kay dating Bayan Muna Party-list Representative Satur Ocamp, ACT Teachers Party-list Rep. France L. Castro, at iba pang akusado sa kasong Child abuse.
Sa desisyon ng Regional Trial Court, Branch 2 ng Tagum City, Davao del Norte na promulgated ngayong araw, sinentensyahan ang mga akusado ng mula apat na taon at siyam na buwan hanggang anim na taon at walong buwang pagkakulong.
Sa isang statement, sinabi ni NTF-ELCAC Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr. na ang desisyon ay isang malaking tagumpay sa mga katutubo sa Talaingod, Davao del Norte na biktima ng pagsasamantala at pang-aabuso ng kilusang komunista.
Binati rin ni Torres ang mga prosecutor at abogado ng NTF-ELCAC na nagsikap para maipanalo ang kaso.
Sa gitna ng banta ng pagsagsagawa ng kilos protest ng mga mga taga-suporta ni Ocampo at Castro, nanawagan si Torres sa mga ito na respetuhin ang batas at ang desisyon ng hudikatura. | ulat ni Leo Sarne