Hatol na “guilty” laban kay Satur Ocampo at Rep. France Castro, patunay na walang “above the law” ayon sa NSC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinirang ni National Security Adviser (NSA) Secretary Eduardo Año ang hatol na “guilty” sa kasong child abuse laban kay dating Bayan Muna Partylist Representative Satur Ocampo at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, bilang patunay na walang “above the law”.

Sa isang statement matapos ibaba ng Regional Trial Court, Branch 2 of Tagum City, Davao del Norte ang desisyon ngayong araw, sinabi ni Sec. Año na ipinapakita nito ang commitment ng hudikatura na itaguyod ang “rule of Law”.

Malinaw aniya, na pinasinungalingan ng desisyon ang alegasyon ng mga akusado na “rescue mission” ang kanilang ginawa sa ilegal na pagkuha at pagbiyahe sa mga menor de edad sa Talaingod, Davao del Norte noong 2018.

Sinabi ni Año, na ang desisyon ay malaking hakbang upang mapangalagaan ang mga katutubo at menor de edad laban sa indoktrinasyon ng “divisive” na ideolohiya.

Binati naman ni Sec. Año ang Department of Justice (DOJ), Office of the Solicitor General (OSG), the NationalTask Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), Philippine National Police (PNP), at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagtutok sa kaso para masiguro na makamit ang hustisya. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us