Heightened alert sa buong linya ng MRT-3, mananatili hanggang August 3 – DOTr  

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) na tatagal sa August 3 ang kanilang heightened alert sa buong linya ng MRT-3.

Ito ay upang umagapay sa mga pangangailangan ng mga pasahero lalo ang mga mag-aaral na magbabalik-eskwela.

Ayon sa DOTr, mananatili rin ang regular operating hours ng MRT-3 kung saan ang unang biyahe ng tren ay 4:30 AM mula sa North Avenue Station at 5:05 AM naman mula sa Taft Avenue Station.

Habang ang huling biyahe ng tren ay 9:30 PM sa North Avenue Station at 10:09 PM naman sa Taft Avenue Station.

Tiniyak naman ng DOTr na naka-alerto ang mga security at station personnel sa nasabing linya. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us