Ide-deploy ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang Mobile Command Center sa lunes kasabay ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, maituturing na high tech ang command center na may kakayahan na ma-monitor ang mga kaganapan sa iba’t ibang lugar.
Bukod sa MMDA, maaari ding magamit ito ng PNP, AFP at iba pang ahensya ng pamahalaan lalo na sa panahon ng kalamidad.
Muli ding tiniyak ni Artes ang kahandaan ng MMDA sa SONA ng Pangulo.
Bukod sa ipapakalat na higit 1,300 taffic enforcers sa Commonwealth at Batasan Complex, may mga street sweeper din ang itatalaga sa mga nasabing lugar.
Titiyakin ng MMDA na magiging malinis sa basura ang lugar bago at pagkatapos ng SONA.
Plantsado na rin ang rerouting scheme zipper lane at mga isasarang daan lalo na sa Commonwealth at Batasan area.| ulat ni Rey Ferrer