Mahigit 100 kilo ng bigas ang ipinaabot ng Kamara sa pamamagitan ng Office of the House Speaker sa mga dumalong benepisyaryo ng Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolk, and Families sa Batangas at Cavite.
Sa talumpati ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa programa sa Batangas, kaniyang ipinaabot ang pasasalamat sa pakikibahagi ng Kamara sa pagbibigay tulong sa mga magsasaka at mangingisda na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa El Niño.
Bawat benepisyaryo ay tumanggap ng limang kilong bigas mula kay Speaker Martin Romualdez.
Nasa halos 10,000 ang benepisyaro ng PAFF sa Batangas at nasa 12,000 naman ang sa Cavite kung saan kasama rin ang Rizal Province.
Una nang tiniyak ng Kamara na makikipagtulungan sa Ehekutibo para maisakatuparan ang nais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mabigyang access ang mga Pilipino sa mas murang bigas. | ulat ni Kathleen Jean Forbes