Aabot sa 101 tricycle sa Quezon City ang na-impound ng Land Transportation Office (LTO) at City Local Government Unit sa loob lang ng isang linggong agresibong implementasyon ng “No Plate, No Travel” policy.
Tiniyak ni LTO Chief Vigor Mendoza II na magtuloy-
tuloy ang kanilang kampanya matapos magpakita ng tiwala at suporta ang mga Tricycle Operators and Drivers Associations sa lungsod.
,
Anila matagal na nila itong problema na nakaapekto sa kanilang pang araw-araw na hanapbuhay.
Dahil sa panghuhuli sa mga colorum na tricycle tumaas ng 50 percent ang kita ng TODA members.
Base sa datos ng LTO, 101 tricycles ang na-impound mula Hulyo 1 habang 123 tricycle drivers naman ang naisyuhan ng traffic violation tickets.
Ang pagpapatupad ng “No Plate, No Travel” sa Quezon City ay pilot test lamang ng nationwide implementation ng polisiya sa lalong madaling panahon.| ulat ni Rey Ferrer