Higit 18,000 motorista, natiketan ng LTO-NCR sa unang sem ng 2024

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa higit 18,000 pasaway na mga motorista ang natiketan ng Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) sa unang anim na buwan ng 2024 sa pinaigting na kampanya nito kontra traffic violators.

Ayon kay LTO-NCR Regional Director Roque “Rox” Verzosa III, mas mataas sa 124.5% kung ikukumpara sa 8,000 lamang na nahuli mula Enero hanggang Hunyo ng 2023.

Mula sa bilang naman ng mga natiketan, 7,989 ang mga motoristang nahuli sa paglabag sa Republic Act (RA) 4136, o ang Land Transportation and Traffic Code.

Kasama rito ang 1,227 kaso ng unregistered motor vehicles, sa ilalim ng ‘No Registration, No Travel’ policy.

Pinakamataas naman ang huli sa mga motoristang nagmamaneho ng depektibo ang mga accessory o devices na nasa 2,412.

Aabot din sa 1,227 ang nahuling nagmamaneho ng nakatsinelas; may 789 ang walang dalang OR/CR while driving (789); 670 ang nahuli sa reckless driving habang 360 naman ang walang lisensya. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us