Aabot pa sa 690 na pamilya o katumbas ng 2,675 na indibidwal ang nananatili sa evacuation centers sa Valenzuela City bunsod ng epekto ng habagat na pinalakas ng bagyong Carina.
Pinakamarami ang naapektuhang residente sa District 1 at 2.
Ang ilan sa mga evacuee ay nananatili sa mga eskwelahan kaya iniurong sa August 5 ang pagbubukas ng klase sa lungsod.
Tuloy-tuloy naman ang pagpaabot ng tulong ng LGU sa mga apektadong residente.
Kabilang dito ang paghahatid ng relief goods, food packs, at hygiene kits sa mga residenteng nasa evacuation centers.
Nagpapatuloy din ang clean-up operations ng Waste Management Office (WMO) upang hakutin ang mga basurang naipon dulot ng bagyong Carina at gayundin ng full operation ng 24 pumping stations sa lungsod, at operasyon ng Flood Control Unit ng mga mobile pumping station sa iba’t ibang barangay na apektado pa rin ng baha. | ulat ni Merry Ann Bastasa