Higit 300 pamilya sa QC, nananatili sa evacuation centers

Facebook
Twitter
LinkedIn

May inisyal nang 306 na pamilya ang nananatili sa evacuation centers sa Quezon City bunsod ng malakas na pag-ulang dala ng habagat.

Ayon sa datos ng LGU, pinakamalaki ang bilang ng pamilyang pansamantalang inilikas sa Diosdado Macapagal Elementary School na umabot sa 79 na pamilya.

Sinundan ito ng Jose Panganiban Highschool na may 69 pamilya ang inilikas.

Sa ngayon, tuloy-tuloy pa rin ang rescue operations ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office (QCDRRMO) sa mga binabahang lugar sa lungsod.

Maging ang Quezon City Police District (QCPD) tumutulong na rin sa paglilikas sa mga residente.

Ayon kay QCPD Chief Police Brig. Gen. Red Maranan, nag-deploy na sila ng mga tauhan na tutulong sa pag-evacuate sa mga pamilya sa flood-affected areas.

Hinikayat naman nito ang mga residente na makipagtulungan at sundin ang mga abiso ng mga awtoridad.

Pinapayuhan din ang mga nais magpasaklolo na tumawag sa QC Hotline sa 122. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us