Nakatanggap na ng pinansyal na tulong ang may 3,257 Tutors and Youth Development Workers (YDWs) mula sa Tara, Basa! Tutoring Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa National Capital Region (NCR).
Ang kaloob na financial assistance na isinagawa sa iba’t ibang unibersidad at kolehiyo sa Metro Manila ay mula sa DSWD-NCR Crisis Intervention Section (CIS).
Ayon sa DSWD, kasama sa batch 1 payout ang mga college students mula sa Quezon City University, PUP Quezon City, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, PUP Sta. Mesa, Universidad de Manila, PUP San Juan, Navotas Polytechnic College, City of Malabon University, Pamantasan ng Lungsod ng Marikina, Rizal Technological University Mandaluyong, Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela, at Valenzuela Technological College.
Sa tulong na ito, tinitiyak ng DSWD NCR na makakatanggap ng suporta para sa transportasyon, pagkain, at iba pang gastusin ang mga Tutor at Youth Development Workers.
Ito’y habang nagsasagawa ng Tutorial at Nanay Tatay session mula Hulyo 1 – 26, 2024. | ulat ni Rey Ferrer