Nakahanda na sa DSWD Field Offices at available na para sa mga lokal na pamahalaan ang 360,228 family food packs para sa mga sinalanta ng Bagyong Carina.
Sa situation briefing na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong umaga (July 25), sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na pinakamarami sa mga ito ay inilaan para sa Central Luzon.
Katumbas ito ng 171, 467 food packs.
“They are either being picked up as we speak, already deployed as of last night, but they are all in the ground na.” — Sec Gatchalian.
Mayroon pa aniyang pumasok na request para sa karagdagang 100,000 family food packs.
Pagsisiguro ng kalihim, handa silang i-supply ito at hinihintay na lamang ang mga truck na magmumula sa LGUs para ipamahagi ito.
“It’ll bring us to 500,000 family food packs. We are ready to supply that, we are just waiting for the LGUs to pick them up. Iyon ang normal arrangement because they have the trucks.” — Sec. Gatchalian. | ulat ni Racquel Bayan