May 30 barangay sa Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur ang apektado na ng mga pagbaha dulot ng ulan dala ng Southwest monsoon o habagat.
Batay sa ulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 9, kabuuang 5,092 pamilya o katumbas ng 18,875 indibidwal ang naapektuhan na ng kalamidad.
May 33 evacuation centers ang binuksan ng DSWD at LGUs para sa inilikas na 4,842 pamilya o 17,941 indibidwal habang 250 pamilya naman o 934 indibidwal ang nakikitira sa kanilang mga kaanak at kaibigan.
May 24 na kabahayan ang iniulat na totally damaged habang 31 ang bahagyang nasira.
Nagsimula na rin ang DSWD sa pamamahagi ng family food packs at iba pang porma ng tulong sa mga apektadong pamilya.
Abot na sa higit P2.5 million halaga ng humanitarian assistance ang naipamahagi mula sa DSWD,
LGUs, NGOs at partner agencies. | ulat ni Rey Ferrer