Higit P90-M na Presidential assistance, personal na ibinaba ni Pangulong Marcos sa Samar Island

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pamamahagi ng tulong ng pamahalaan sa mga magsasaka at mangingisda sa Samar, na layong makaambag sa pagsusulong ang kabuhayan at economic stability sa lugar.

“Dahil po riyan, narito ang inyong pamahalaan upang iparamdam ang aming suporta sa inyo na walang-pagod na nagsisikap upang matiyak na mayroong pagkain sa hapag [ang]bawat pamilyang Pilipino,” -Pangulong Marcos.

Photo courtesy of Presidential Communications Office

Ilan lamang sa mga ibinigay ng Pangulo ngayong araw (July 4) ay ang P25.9 million na presidential assistance para sa provincial government ng Northern Samar.

Nasa P19.3 million para sa Eastern Samar, at P50 million para sa Provincial Government ng Samar.

Bukod pa dito ang P10,000 para sa mga piling benepisyaryo ng tatlong probinsya.

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), namahagi rin ng hiwalay na P10,000 para sa higit 8,000 benepisyaryo ng tanggapan.

Katuwang ang mga makinarya, abono, binhi, at iba pang gamit sa pangingisda at pagsasaka mula sa Department of Agriculture.

Ayon kay Pangulong Marcos Jr., ang TESDA, mayroong inilaan na P300,000 na pondo para sa training support.

Kabalikat ang mga programa ng DOLE, tulad ng P6 million fund para sa 1,500-beneficiary ng TUPAD program; P5 million para sa 160-beneficiary ng Integrated Livelihood Program; at P650,000 para sa 85 lalahok sa Government Internship Program. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us