House Committee on Metro Manila Development, agarang nag-convene upang i-asses ang mga pagbaha sa iba’t ibang lugar sa NCR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Agad na ipinatawag ni Manila Representative Rolando Valeriano, Chairperson ng House Committee on Metro Manila Development, ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH)  kaugnay sa naganap na matinding pagbaha sa Metro dulot ng bagyong Carina.

Ayon kay Valeriano, kailangang magpaliwanag ng MMDA at DPWH kung bakit hindi aniya kinaya ng “flood control systems” ang buhos ng ulan kaya marami sa ating mga kababayan ang biktima ng pagbaha.

Diin ng mambabatas, kailangang maging handa ang naturang ahensya ng gobyerno sa mga scenario ng malakas ang ulan at may kalamidad.

Sabi pa ng Manila solon, bukod sa DPWH at MMDA, inaasahan din na magbibigay ng presentation ang iba pang ahensiya ng gobyerno kaugnay naman sa paghahatid ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Carina.

Itinakda sa darating na Miyerkules, July 31 ang hearing ng komite. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Photos: MMDA PIO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us