House leaders, kinondena ang paggamit ng Deepfake para siraan ang Presidente

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mariing kinondena ni House Majority Leader Mannix Dalipe ang pagpapakalat ng gawa-gawang video gamit ang Deepfake para siraan ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Aniya, hindi lang ito pag-atake sa imahe at katauhan ng Presidente ngunit pag-atake rin sa buong bansa.

“The fabricated video, which falsely depicts the President using illegal substances, is not just an attack on his person but an affront to the entire nation,” sabi ni Dalipe.

Nanawagan din si Dalipe sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na hanapin ang mga nasa likod ng pekeng video at panagutin.

“Sobrang foul na ito. Whoever is behind this and whoever is financing this attempt to malign the President have crossed the line. I call on the PNP and the NBI to get to the bottom of this evil deed and take immediate action,” diin ng mambabatas.

Dagdag pa ng Zamboanga solon, desperado at malisyoso ang ginawang video na nakakasira sa tiwala ng publiko at pagkakaisa at inilabas pa ilang oras bago ang SONA ng Presidente.

“The shoddy editing and obvious signs of AI manipulation in the video only serve to further illustrate the desperation and malicious intent behind this attack. The full extent of the law must be applied to those behind these unrelenting attempts to destabilize the government. Such misuse of technology for political gain cannot be tolerated,”

Sa panig naman ni National Unity Party President at Camarines Sur Representative LRay Villafuerte, malinaw na black propaganda ito at maituturing pang destabilisasyon.

“Black propaganda. Saka medyo destabilization yun na gagawin mo before SONA. Sa akin, mali po yun. At ako nakita ko, not to protect the present, pero talagang peke naman talaga,” sabi ni Villafuerte.

Kaya patuloy ang pagsulong ng mambabatas sa pagbabawal ng deepfake sa darating na eleksyon lalo na at nagagamit nga aniya ito sa maling paraan upang manira ng ibang tao. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us