Kapwa sinang-ayunan nina House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo at House Committee on Human Rights Chair Bienvenido Abante ang pahayag ni PBBM na hindi na kailangan pang mamagitan ng International Criminal Court sa imbestigasyon ng Pilipinas.
Matatandaan na sa isang ambush interview sinabi ng pangulo na hindi na kailangan ng Pilipinas ng intervention mula sa ICC dahil gumagana naman ang ating judicial system.
Patunay dito ang acquittal ni dating Sen. Leila de Lima.
Ayon kay Tulfo, ipinapakita nito na malaki ang kumpiyansa ng Pangulo sa ating hudikatura. kaya hindi na kailangan na pumasok ang ibang entity sasarili nating bakuran.
“Kung sinabi iyan ng Pangulo na malaki ang kumpiyansa niya sa ating judicial system, judicial processes, eh tama nga naman ang Pangulo. Bakit pa natin hayaan ang iba na pumasok dito para mag-imbestiga sa ating sariling bakuran. Eh kung tayo ay kaya na natin ‘yan…kaya naman nating imbestigahan so I agree with the President 100% na gumagana, working ang ating judicial system.” sabi ni Tulfo
Sa panig naman ni Abante, sinabi niya na kaya rin nagkasa ang Kamara ng imbestigasyon sa umano’y pagmamalabis sa ipinatupad na war on drugs ng dating administrasyon ay upang hindi na kailangan pa umakyat mga biktima sa ICC.
“the reason why na iniimbestigahan natin ito sa committee domestically, upang hindi na pumunta pa ang mga biktima sa ICC para dumulog sa kanila. Sapagkat walang nangyayari sa imbestigasyon dito. Kumbaga we’re trying to prevent. Eh yung mga biktima kasi, hindi naman kami ang pupunta sa ICC kundi yung mga biktima e. And we can actually prevent them from going to the ICC. Di ba? I mean iyan ang dahilan para hindi na sila pumunta pa sa ICC. At mag-complain doon sa ICC. We want that to be done domestically.” wika ni Abante. | ulat ni Kathleen Forbes