Hinangaan ni House Committee on Dangerous Drugs Chairperson at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang anti-drug war strategy ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa panayam kay Barbers matapos ang state of the nation address (SONA) ng Pangulo, sinabi nito na kahit na bloodless ang anti-illegal drugs campaign ng Marcos Jr. Administration ay nagtagumpay naman ito.
Ginawa ni Barbers ang pahayag kasunod ng sinabi ng Pangulo na ang “extermination” ay hindi kailanman naging bahagi ng kampanya laban sa illegal na droga.
Ayon sa House Panel Chair, malaking bagay ang hakbang na ito dahil nakasabat ang gobyerno ng mahigit P40 billion na halaga ng shabu sa loob lamang ng dalawang taon. | ulat ni Melany Valdoz Reyes