House panel chair, nababahala sa pagsulpot ng mga iligal na droga sa karagatan ng Ilocos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinababantayan ngayon ni House Committee on Dangerous Drugs Chair Robert Ace Barbers sa mga otoridad ang insidente sa Ilocos Region kung saan sunod-sunod na nakakakuha ng drug package sa dagat ang mga mangingisda.

Sabi ni Barbers, kung hindi diversionary tactic ay ginagamit itong propaganda para siraan ang gobyerno.

Aniya, hindi basta-basta para sa mga sindikato na mahulog ng kilo-kilong droga dahil malaking halaga ng pera ito.

Kaya kung hindi ito diversionary tactic para ilihis ang atensyon sa isang malaking drug haul ay posible na gusto lang palabasin na may malaking kalakaran ng droga sa mismong probinsya pa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“kapag ito ay lumulutang somewhere, dalawa lang ang theory na nakikita ng marami, no? Kasi, posibleng sinasadya, no? Na ilaglag yan dyan Diversionary. Pangalawa, pwede rin na ito ay parang propaganda, no? To create an image na kung saan nakikita ito, eh talamak…at alam naman natin na posibleng ang target dito ay yung ating Pangulo.” ani Barbers

Batay sa datos ng mga otoridadsa Ilocos, mula noong Lunes nang nakaraamng linggo ay umabot na sa 79 na pakete na naglalaman ng droga ang nadiskubre na palutang lutang sa dagat sa palibot ng Ilocos. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us