House Panel Chair, nangako na agad aaksyunan ang PNP Reorganization Bill

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling tatalakayin ng Kamara ang PNP Reorganization Bill matapos itong ma-veto ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sa isang mensahe, sinabi ni House Committee on Public Order and Safety Chair Dan Fernandez na kinausap na siya ni Speaker Martin Romualdez at agad aaksyunan ang panukala matapos ang State of the Nation Address (SONA) ng Presidente sa July 22.

Ani Fernandez, aayusin nila ang mga probisyon ng panukala na vineto ng Pangulo.

Sinabi pa ng Laguna solon na higit 16 na taon nang hinihintay ang restructuring ng Pambansang Pulisya at ngayong halos abot-kamay na ito ay sisiguruhin nilang maitama ito.

“The restructuring of the PNP Organization had been lingering for almost 16 years and this is the only time that that measure reach this far short in saying na “isang hinga na lng.” The Speaker called my attention and we will discuss it thoroughly after (the) SONA of the President. Nothing (is) lost yet, we will act accordingly with the provisions vetoed by the President,” sabi ni Fernandez.

Kabilang sa mga dahilan kaya hindi pinirmahan ng Pangulo ang panukala, dahil maaari aniyang hindi maging patas sa mga Police officer sa planong pagbabago sa sweldo ng mga pulis; pagbuo ng bagong mga tanggapan sa loob ng PNP na taliwas sa itinutulak na streamlining ng government services, at pagbabago sa Internal Affairs Service (IAS). | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us