House panel Chair, pinuri ang pagbubukas ng Seafarer’s Hub; Kapakanan ng mga marino, patuloy na isusulong

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinilala ni House Committee on Overseas Workers Affairs Chair Jude Acidre ang malaking benepisyo ng binuksang Seafarers Hub sa Maynila, ngayong linggo.

Aniya, paraan ito ng pagtanaw at pakilala sa malaking ambag ng mga Pilipinong seafarer hindi lang sa ekonomiya ng Pilipinas ngunit maging sa buong mundo.

Tinukoy nito, na noong 2022 nakapag ambag ang mga marino sa ekonomiya ng bansa ng higih US$6 billion US na remittance.

Maliban pa dito, isa ang Pilipinas sa mga nangungunang bansa na provider sa seafaring industry dahil sa kakayanan, dedikasyon at propesyunalismo ng ating mga marino.

Ang Seafarer’s Hub ay may mga pasilidad gaya ng WiFi, charging stations, lounge areas, at coffee corner.

Magbibigay sebisyo rin ito gaya ng training programs, legal aid, healthcare, at mental health support.

“Their expertise and reliability enhance the competitiveness of our maritime sector, attracting more business and investment. This, in turn, creates more jobs and stimulates economic growth, underscoring the broader impact of our seafarers on the national economy,” sabi ni Acidre.

Pagsiguro pa ng TINGOG Representative, na patuloy na nilang isusulong sa Kamara ng Magna Carta of Seafarers para matiyak ang karapatan at kapakanan ng mga marino at napapangalagaan.

“This Magna Carta will enshrine into law the protection of seafarers’ rights, ensuring fair wages, safe working conditions, and access to medical care. It will provide a legal framework that upholds the dignity and respect our seafarers rightfully deserve,” saad pa niya. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us