Sinang-ayunan ni House Committee on Labor and Employment Chair Fidel Nograles ang mungkahi ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magbigay ng short courses sa mga K to 12 graduates upang mapalakas ang kanilang employability.
Ayon kay Nograles anomang hakbang para matulungan ang ating mga graduate na makakuha agad ng trabaho ay kaniyang susuportahan.
Ang panukala ng Pang. Marcos ay bunsod na rin ng hindi nakamit na layunin ng K to 12 program para mapagbuti ang employability ng mga nagsipagtapos.
Kaya mungkahi nito kay incoming DEPED Sec. Sonny Angara na magbigay ng mga tatlo hanggang anim na buwang mga kurso sa mga graduate ng K to 12.
Mahalaga naman ani Nograles na makipag-ugnayan sa pribadong sektor upang ang short courses na ito ay tunay na makakatugon sa pangangailangan ng mga industriya.
“Syempre, hindi naman tayo nago-operate sa isang vacuum. Kaya kailangan talaga magtulungan ang private sector at pamahalaan para masiguro na angkop ang mga short courses sa mga pangangailangan sa iba’t ibang industriya,” sabi ni Nograles. | ulat ni Kathleen Forbes