House Panel chair, tiwala na makakamit ang target na 3-milyong trabaho sa 2028

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kumpiyansa si House Committee on Labor and Employement Chair Fidel Nograles na makakamit ng pamahalaan ang target na tatlong milyong bagong trabaho sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 2028.

Aniya handa ang Kamara na makipagtulungan sa administrasyon para mapatotoo ang adhikaing ito na mas marami pang Pilipino ang magkaroon ng marangal na pamumuhay.

Matatandaan na sa ginanap na 2024 National Employment Summit, inihayag ni Pangulong Marcos na sa pamamagitan ng pagpapatupad sa 10-year national employment masterplan sa ilalim ng Trabaho Para sa Bayan Act ay makakalikha ng tatlong milyong bagong trabaho hanggang 2028.

Sinang-ayunan naman ito ni Nograles.

Aniya, susi ang maayos na implementasyon ng TPB plan para sa target na tatlong milyong trabaho.

Kaya mahalagang magtulungan ang buong pamahalaan upang masiguro na masusunod ang mga probisyon na nakalatag dito.

Kinilala din ng mambabatas na nasa tamang direksyon ang pamahalaan bunsod na rin ng pagtaas sa employment rate at pagbaba naman sa unemployment rate. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us