Magpapatawag ng pagdinig si House Committee on Metro Manila Development Representative Rolando Valeriano kaugnay sa naranasang matinding pagbaha sa Metro Manila at karatig probinsysa sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Carina.
Sa press conference sa Kamara, sinabi ng House Committee Chair na kabilang sa kanilang agenda ang P244 billion na flood control ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Aniya, hihingiin nila ang masterplan sa DPWH at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para resolbahin ang pagbaha sa bansa.
Hindi lamang aniya para sa taong 2024 ang kanilang uusisain bagkus maging ang mga nakaraang taon na laganap ang pagbaha tuwing malakas ang ulan.
Ayon sa Manila solon, kabilang sa kanilang pinadalhan ng imbitasyon at nagkumpirma ng kanilang attendance sa Miyerkules ay ang National Economic and Development Authority, DPWH, National Disaster Risk Reduction and Management Council, MMDA, Department of Environment and Natural Resources, PAGASA, local chief executives at Solid Waste Management Corporation. | ulat ni Melany Valdoz Reyes