House Speaker, nagpaabot ng pasasalamat sa tulong ng Singapore Red Cross sa mga biktima ng bagyong Carina

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinuri at pinasalamatan ni Speaker Martin Romualdez ang ipinaabot na tulong ng Singapore Red Cross para sa mga biktima ng super typhoon Carina.

Ang $50,000 US dollars o katumbas ng ₱2.925-million na donasyon ay idadaan sa Philippine Red Cross upang magamit sa emergency operations at relief sa mga apektadong komunidad.

Ani Romualdez, tiyak na ipagpapasalamat ng mga Pilipino ang kagandahang loob na ipinakita ng Singapore.

“I am sure that our people, especially those affected by the recent typhoon, deeply appreciate the kind gesture of our friends from Singapore. On behalf of our people and President Ferdinand R. Marcos Jr., thank you, Singapore Red Cross,” sabi ni Romualdez.

Sinabi pa ng House leader na tiyak na sa hinaharap, ay susuklian ng Pilipinas ang kabutihang ipinakita ng Singapore sa atin. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us