House Speaker, pinuri ang pagsusumite ng ikatlong IGRB Progress Report

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nangako si House Speaker Martin Romualdez na patuloy na susuporta ang Kamara sa pagpapaunlad ng BARMM bilang bahagi ng peace initiatives ng bansa.

Ang pahayag ng House leader ay kasunod ng pagsusumite ng ikatlong National Government at Bangsamoro Government Intergovernmental Relations Body (IGRB) Progress Report kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ngayong araw.

Maituturing aniya itong milestone ng kolaborasyon para makamit ang pang matagalang kapayapaan at kaunlaran sa Mindanao.

Sabi pa ni Romualdez, ang mga napagtagumpayan na nakapaloob sa IGRB progress report ay nagpapakita sa mahalagang papel ng pagkakaisa alinsunod sa diwa ng Bagong Pilipinas kung saan walang maiiwan.

“The progress we have achieved thus far in our journey towards lasting peace is a testament to the power of unity and a shared vision in line with the spirit of ‘Bagong Pilipinas’ where no one is left behind. The House of Representatives remains fully committed to supporting the development of BARMM as a critical component of our peace initiatives,” he giit niya

Kasabay nito, kaisa si Speaker Romualdez sa paghahangad ng isang matiwasay na 2025 BARMM elections na siyang pinaka unang regular election para sa parlyamento ng BARMM. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us