House Speaker Romualdez, binigyang halaga ang pagtutulungan at bayanihan para sa muling pagbangon mula sa hagupit ng bagyong Carina

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinilala ni House Speaker Martin Romualdez ang tulong ng kanyang mga kapwa mambabatas upang makibahagi sa relief aid sa mga biktima ng bagyong Carina.

Aniya, malaking kontribusyon ito upang mas mabilis na makabangon ang ating mga kababayan na mga nasalanta ng bagyo at matinding pagbaha.

Kahapon, kasama ang ilang mga miyembro ng Kamara umikot ang mga ito para sa relief operations habang may mga mambabatas ng mga apektadong lugar ay tumutulong din sa kanilang mga constituent.

Ito bilang tulong na rin aniya sa ginagawa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pag ikot upang personal na makita ang sitwasyon, at matiyak na naihahatid ang tulong sa mga biktima.

Nagpasalamat din ang liderato ng Kamara sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, lokal na pamahalaan at mga volunteer sa kanilang pagtulong upang maging matagumpay ang relief operation. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us