Halos tapos na ang Kamara sa paghahanda sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa July 22.
Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, sa Lunes, July 15, isasagawa ang huling pulong ng Task Force SONA kung saan magkakaroon din ng final walkthrough sa palibot ng Batasan.
Sa susunod na linggo rin isasagawa ang pamamahagi ng ID at car pass para sa mga dadalo.
Simula naman aniya July 19 ay ipatutupad na ang lockdown sa Batasang Pambansa Complex.
Kumpiyansa rin si Velasco na may sapat na tauhan at security plans na nakalatag para masiguro ang payapa at ligtas na pagdaraos ng SONA.
“Yung mga, yung bomb squad, meron na raw robotics na gagamitin. And l’m happy with that because the more secured the place is, the better would be the feeling of our guests. So, palagay ko there would be enough security personnel and equipment to ensure that all the guests will be secured,” sabi ni Velasco. | ulat ni Kathleen Jean Forbes.