Dumating na sa Cotabato City ang water tanker at food truck na bahagi ng humanitarian caravan na pinadala ng Philippine Red Cross sa Mindanao.
Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon, layon nito para asistehan ang mga kalapit lalawigan na naapektuhan ng malalakas na pag-ulan at flashflood.
Nagmula sa North Cotabato-Kidapawan PRC Chapter ang water tanker na may capacity na 10,000 liters habang nanggaling naman sa Red Cross General Santos Chapter ang food truck.
Binigyang-diin ni Gordon na mabigyan ng mahahalagang serbisyo ng mga apektadong pamilya lalo na ang tubig at pagkain sa panahon ng kalamidad.
Batay sa ulat, maraming lugar sa Mindanao at maging sa Visayas ang naapektuhan ng grabeng pag-ulan at pagbaha dulot ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at umiiral na Habagat. | ulat ni Rey Ferrer