Iba pang Regional Wage Boards, hinikayat na sundan ang taas-sahod sa NCR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinalampag ni House Minority Leader at 4Ps Party-list Representative Marcelino Libanan ang 16 na Regional Wage Boards na sundan ang ginawang wage increase ng National Capital Region (NCR).

Aniya, dapat bilisan ng naturang mga Regional Wage Board ang pagtataas sa sahod ng mga empleyado sa pribadong sektor sa gitna na rin ng mataas na presyo ng mga bilihin.

Tinukoy pa nito ang ulat ng Pulse Asia Research kung saan lumabas na ang pagtaas ng sahod ang isa sa nais mangyari ng mga Pilipino, na sinundan ng pagkontrol sa inflation o pagtaas ng presyo ng bilihin.

Kamakailan nang aprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa Metro Manila ang ₱35 wage increase.

“We are counting on all Regional Wage Boards outside of Metro Manila to quickly figure out the pay increases needed to help workers recover the purchasing power that they’ve lost on account of the spiraling prices of basic commodities,” ani Libanan.

Sinabi pa ng mambabatas ang pagkaantala sa taas-sahod sa iba pang rehiyon ay lalo lang magtutulak sa Kongreso para magpatupad ng
nationwide across-the-board wage adjustment.

Ang Senado napagtibay na ang ₱100 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa habang tinatalakay pa sa Kamara ang kahalintulad na panukala. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us