Ika-4 na 2+2 Ministerial Consultations sa pagitan ng Pilipinas at Amerika, isasagawa ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling pagtitibayin ng Pilipinas at Amerika ang relasyon ng dalawang bansa sa gitna ng mga hamong kinahaharap partikular na sa rehiyon ng Indo-Pasipiko.

Ito’y sa ika-4 na 2+2 Ministerial Consultations na isasagawa sa Kampo Aguinaldo ngayong araw.

Partikular na haharap sa pagpupulong sina Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr, Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa panig ng Piliipinas

Habang sina United States Defense Secretary Lloyd Austin III at US Secretary of State Antony Blinken naman ang haharap sa panig ng Amerika.

Dito, tatalakayin ang mga usaping may kinalaman sa mga banta sa rehiyon mapa-lupa, tubig, himpapawid, gayundin sa cyberspace, at kung paano ito matutugunan.

Inaasahan ding tatalakyin dito ang mga pinakahuling sitwasyon sa West Philippine Sea, partikular na ang mga mapangahas at mapaghamong hakbang ng China sa katubigang sakop ng Pilipinas.

Magugunitang isinagawa ang ikatlong 2+2 Ministerial Consultataion sa Washington D.C. noong isang taon kung saan, pinagtibay ang committment ng Pilipinas at Amerika na i-modernisa ang kanilang alyansa.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us