Ikalawang Philippines-Japan Foreign and Defense Ministerial Meeting, isasagawa ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Makikipagpulong ngayong araw si Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro at Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo sa kanilang Japanese counterparts na sina Defense Minister Kihara Minoru at Foreign Minister Kamikawa Yōko.

Ang pagpupulong ay isasagawa sa Shangri-La The Fort sa Taguig City, ngayong umaga.

Ito ang ikalawang pagkakataon na isasagawa ang Philippines-Japan Foreign and Defense Ministerial Meeting (2+2) kasunod ng huling pagpupulong noong Abril 2022 sa Tokyo, Japan.

Nauna nang sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. na umaasa siyang malalagdaan na sa pagitan ng Pilipinas at Japan ang Reciprocal Access Agreement kasabay ng  2+2 Meeting ngayong araw.

Ayon kay Gen. Brawner, mahalaga ang RAA dahil magpapahintulot ito sa pwersa ng Japan na magsagawa ng sabayang pagsasanay militar kasama ang AFP.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us