Nagpatupad na ng forced evacuation ang Pamahalaang Lungsod ng Marikina sa mga residenteng nakatira sa mababang lugar.
Ito’y matapos itaas sa ikatlong alarma ang Marikina River dahil umabot na sa 18 metro ang lebel ng tubig dito.
Dahil diyan, sinabi ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro na kanila nang ide-deploy ang Disaster and Rescue Personnel para sa paglilikas .
Aabot na sa mahigit 150 pamilya o katumbas ng nasa 800 indibiduwal ang inilikas na sa siyam na binuksang evacuation centers sa iba’t ibang bahagi ng lungsod.
Patuloy namang inaabisuhan ng pamahalaang lungsod ang kanilang mga residente na gawin ang ibayong pag-iingat at sundin ang tagubilin ng mga awtoridad sa paglilikas. | ulat ni Jaymark Dagala