Ikatlong SONA ni Pangulong Marcos Jr., nagbigay ng inspirasyon sa DHSUD na doblehin ang pagsisikap

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nangako ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na doblehin ang pagsisikap nito sa pagtugon sa kakulangan ng pabahay ng bansa.

Sa ngayon, sinabi ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, na puspusan na ang ahensya sa pagpapatupad ng nationwide flagship Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program at ang urban renewal na Pasig Bigyang Buhay Muli (PBBM) Project.

Sa SONA noong Lunes, hinamon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang burukrasya ng Pilipinas at ang buong bansa na labanan ang mali at masama, at ipagtanggol kung ano ang tama at mabuti.

Ginagawa niya ito bilang motibasyon para maisakatuparan ang bisyon ng DHSUD, kasama ang “Pambansang Pabahay”, ang PBBM Project gayundin ang iba pang mga hakbang ng departamento.

Sa ngayon, hindi bababa sa 45 proyektong “Pambansang Pabahay” ang nasa iba’t ibang yugto ng konstruksyon sa buong bansa habang mahigit 200 na Memorandum of Understanding ang nilagdaan sa ilalim ng programa. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us