Hinimok ni KABAYAN party-list Rep. Ron Salo ang mga Pilipino na patuloy na ibigay ang suporta kay Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. sa gitna na rin ng kaniyang nalalapit na State of the Nation Address sa July 22.
Ayon kay Salo, dala ng ikatlong SONA ng Pangulo ang bagong pag-asa para sa mga Pilipino at ang mga napagtagumpayan ng Bagong Pilipinas.
‘We call on our fellow Filipinos to continue rallying behind the reforms and initiatives of the President. Our shared aim at improving the lives of Filipinos can only be achieved through our collective and united efforts,” sabi ni Salo.
Sabi ng mambabatas na ang matagumpay na hakbang ng administrasyon para maibaba ang serbisyo ng gobyerno sa publiko ay pagpapakita ng malasakit ng pamahalaan sa mga Pilipino.
Kasama rin sa inaasahan ng kongresista na maipagmalaki ang mga inisyatiba para makalikha ng dagdag pang mga trabaho para taumbayan.
“These include the implementation of Salt Industry Development Act, which seeks to revitalize and modernize the salt industry, and the creation of the Department of Fisheries, which aims to develop our aquatic resources. And certainly, a mention on the government’s efforts in ensuring universal and accessible quality education for all seems inevitable,” dagdag ni Salo.
Magsisilbi rin aniya ang “SONA 3” na plataporma para mailahad ang mga bago o dagdag pang polisiya at pankalang batas para sa ikabubuti ng mamamayan.
Inaasahan na rin ni Salo na ibibida ng presidente ang mga ginawang pagsusulong at proteksyon ng pamahalaan sa karapatan ng mga OFW.
Dahil naman dito umaasa ang kinatawan na tuluyan nang mapagtibay ang Magna Carta of Filipino Seafarers.| ulat ni Kathleen Forbes