Madadaanan na ng mga motorista ang leftmost lane o lane 1 ng Valenzuela Northbound at Southbound .
Ang bahagi ng daan ay nilubog ng baha dahil sa malalakas na ulan dulot ng Bagyong #CarinaPH at habagat.
Sa abiso ng North Luzon Expressway Corporation (NLEX),
may mga kalsada na hindi pa rin madadaanan ng lahat ng uri ng sasakyan tulad ng Meycauayan papuntang Marilao Northbound, Meycauayan Northbound Entry, Meycauayan Southbound at NLEX Connector C3 at Espan̈a Entry Ramps.
Lahat ng sasakyan papunta ng South ay inilihis sa Sta Rita Southbound Exit.
Samantala, ilang Toll Plaza sa NLEX ang pansamantalang isinara, kabilang ang Marilao Southbound Entry,
Meycauayan Southboumd Entry, Paso de Blas Northbound Entry, Lawang Bato Northbound Entry, Tambubong Southbound Entry, Tabang Southbound Entry at Balagtas Southbound Entry.
Samantala, ilang U-turn Slots naman ang binuksan din ngayong hapon, ito ay ang Balintawak Northbound (malapit sa Skyway Stage 3),NLEX Harbor Link Interchange, Valenzuela Northbound (Torres Bugallon area at Mapulang Lupa- papuntang Balintawak)
Meycauayan Northbound papuntang Bulacan at Pampanga, Bocaue Interchange area (going Pampanga) at Taal Bridge, Bocaue (going Pampanga).| ulat ni Rey Ferrer