Inanunsyo ng Meralco na magsasagawa ito ng maintenance work sa ilang kalsada at barangay sa Lungsod ng Taguig na nakatakdang gawin simula bukas, araw ng Lunes mula 9:00 ng gabi, Hulyo 29, hanggang 2:00 ng umaga ng Martes, Hulyo 30.
Apektado ng maintenance ang mga bahagi ng Barangay Ibayo-Tipas kiung saan ito makararanas ng ng pansamantalang pagkawala ng kuryente. Partikular sa mga apektadong residente ay ang mga nakatira sa mga bahagi ng Sañga Street, mula H.R. Capistrano hanggang sa Capistrano Compound at Cruz Compound, pati na rin sa Ibayo Tipas 3, J. Ramos, at Pagkalinawan Street.
Layunin ng nasabing maintenance na ito na mailipat ang mga pasilidad ng Meralco sa kahabaan ng Sañga Street sa nasabing barangay.
Pinapayuhan ng Meralco ang mga residente na i-charge ang lahat ng mahahalagang electronic devices nang maaga upang maging handa sakaling magkaroon ng emergency.| ulat ni EJ Lazaro