Ilang biyahe ng mga eroplano sa NAIA, kanselado dahil sa masamang panahon — MIAA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kanselado ang biyahe ng ilang domestic at international flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong Miyerkules.

Ito’y ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA) bunsod pa rin ng nararanasang masamang lagay ng panahon dulot ng bagyong Carina at pinaigting na hanging habagat.

Batay sa Flight Advisory No. 2 na inilabas ng MIAA as of 7am, kanselado na rin ang biyahe ng Cebu Pacific Flight 5J 310 mula Manila patungong Taipei, gayundin ang Flight 5J 312 at 5J 313 na biyaheng Manila patungong Taipei at pabalik.

Kanselado na rin ang CebGo Flight DG 6177 at DG 6178 na biyaheng Manila patungong Masbate at pabalik.

Una rito, kinansela na ang biyahe ng KLM Royal Dutch Airlines Flight KL 807 at KL 808 na biyaheng Taipei patungong Manila at pabalik.

Habang kanselado na rin ang mga biyahe ng CebGo Flights DG 6031 at DG 6032 mula Manila patungong San Jose at pabalik; gayundin ang Flights DG 6113, DG 6114, DG 6117, DG 6118 na pawang mga biyaheng Manila patungong Naga at pabalik.

Samantala, diverted naman ang Royal Air Flight RW 130 na biyaheng Da Nang patungong Maynila sa Clark International Airport.

Dahil dito, inabisuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang mga airline company para sa rebooking at refund ng kanilang ticket. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us