Sabay-sabay na nagsumite ng Petition for Certiorari and Prohibition ang grupo ng mga magsasaka para hilingin sa Korte Suprema ang pagapalabas ng Temporary Restraining Order laban sa ibinabang taripa sa imported rice.
Nagtungo sa SC ang grupong SINAG, Federation of Free Farmers, at MAGSASAKA Party-list para kwestyunin ang legalidad ng Executive Order No. 62 na nagbababa sa buwis ng mga imported na bigas.
Ayon kay SINAG Chairperson Rosendo So, iligal ang Executive Order 62, dahil umano ito dumaan sa konsultasyon.
Sa ilalim ng naturang kautusan, mula sa 35% tatapyasan sa 15% ang taripa sa imported rice na naglalayong mapababa ang presyo sa merkado.
Naniniwala ang grupo na hindi maibababa ang presyo ng bigas sa pamamagitan ng naturang hakbang ng gobyerno dahil ang ibang bansa pa rin ang pwedeng magpasya na itaas ang presyo ng kanilang export.
Kung hindi mailalabas ng korte suprema ang TRO, magkakabisa ang Executive Order sa July 7. | ulat ni Mike Rogas