Ilang kalsada sa Cainta sa Rizal, di pa rin madaanan dahil sa tubig baha

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa pitong lugar sa Cainta sa Rizal ang lubog pa rin sa baha matapos ang maghapong pag-ulan kahapon na dala ng hanging habagat na pinaigting pa ng bagyong Carina.

Batay ito sa datos na ibinigay sa Radyo Pilipinas ng Cainta Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) as of 7am.

Kabilang sa mga hindi pa rin madaanan ay ang Ortigas Avenue Extension mula BF Metal hanggang Cainta Junction, Imelda Avenue hanggang Sta. Lucia.

Gayundin ang Brookside, Village East, Vista Verde, Gruer Sabungan, at bahagi Felix Avenue partikular na sa Midtown Subdivision.

Sa panayam ng Radyo Pilipinas kay Cainta MDRRMO Head, Eric Arevalo, bagaman sanay na ang kanilang mga residente sa ulan, aminado silang nakagugulat ang nangyari kahapon.

Gayunman, nakatulong ang pagiging mulat ng mga residente sa tuwing may sama ng panahon na kusang naghahanda at lumilikas.

Una rito, isinailalim na sa State of Calamity ang buong Bayan ng Cainta matapos ang malawakang pagbaha sa kanilang lugar.

Nagresulta naman ito sa 1,861 pamilya o 7,790 indibiduwal ang inilikas at kasalukuyang nanunuluyan sa may 18 evacuation centers.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us