Naglabas na ng pinal na presyo ang ilang mga kumpanya ng langis para sa oil price hike na epektibo, simula bukas.
Simula bukas ng alas-6 ng umaga ipapatupad ng kumpanyang Pilipinas Shell, Ssea Oil, Petro Gazz, Uni Oil, at Clean Fuel ang P0.95 sa kada litro ng gasoline, P0.65 naman sa kada litro ng diesel habang P0.35 naman sa kada litro ng kerosene.
Ito na ang ikatlong sunod na serye ng taas-singil ngayong linggo.
Ang oil price hike ay bunsod pa rin ng pabago-bagong presyo sa pandaigdigang merkado. | ulat ni AJ Ignacio