Ilang mamimili sa ADC Kadiwa, umaasang madagdagan ang limit na pwedeng bilhin sa ₱29 na bigas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maaga pa lang ay may mga senior at miyembro ng 4Ps na ang nagtungo sa ADC Kadiwa Store para mauna sa pila ng murang bigas.

Ayon kay Nanay Corazon, inagahan na niya para makabili agad ng isasaing sa araw na ito.

Gayunman, aminado ang ilang mamimili na bitin sa kanila ang limit na tatlong kilo.

Ayon kay Mang Bayos, sana madagdagan ang limit na pwedeng bilhin sa ₱29 na kada kilo ng bigas lalo na at hindi naman na pwede ang magpabalik-balik sa pila.

Hinihingan na rin kasi ng thumbmark o palatandaan ang mga bumibili para hindi na makaulit sa pila at mas marami ang makabili ng murang bigas.

Pero para sa ibang mamimili, lugi ito dahil paano naman daw ang mga may malalaking pamilya.

Una nang sinabi ng Department of Agriculture (DA) na isinasapinal na nito ang mga ipatutupad na adjustment sa bentahan para mas mapadali sa bawat sektor ang pagbili sa Kadiwa Centers.

Ayon kay DA Assistant Secretary Arnel de Mesa, asahan na ang mas “improved” na Kadiwa sa ilalim ng programa at malawakang bentahan ng ₱29 kada kilong bigas dahil hindi lang sa Metro Manila aarangkada ang programa kundi sa ibang lugar sa labas ng NCR. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us