Ilang manggagawa sa Pasig City, bitin pero nagpapasalamat sa dagdag-suweldo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aminado ang ilang manggagawa sa Ortigas Business District sa Pasig City na nabitin sila ipinasang ₱35 na umento sa arawan nilang suweldo.

Gayunman, ipinagpapasalamat na nila ito dahil kahit paano’y may maipandaragdag na sila sa kanilang gastusin.

Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, sinabi ng ilang manggagawang nakapanayam na malaking tulong na ang dagdag-suweldo lalo’t kasalukuyan silang nangungupahan ng matutuluyan malapit sa kanilang trabaho.

Kahapon, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang dagdag-suweldo sa mga manggagawa sa Metro Manila.

Mula sa dating ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum wage simula ngayong Hulyo. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us