Goodnews para sa mga motorista dahil muli nang magkakaroon ng oil price rollback sa presyo ng produktong petrolyo bukas.
Simula alas sais ng umaga ipapatupad ng kumpanya ng Pilipinas Shell, Sea Oil, Petro Gazz ang P0.60 sa kada litro ng gasolina habang P0.95 naman ang tapyas sa kada litro ng diesel habang P1.15 sa kada litro ng kerosene.
Ito na ang unag rollback matapos ang apat na sunod-sunod na oil price hike mula nitong nakaraang buwan.
Ang oil price increase ay bunsod pa rin ng pagbago presyo sa pandaigdigang merkado.| ulat ni AJ Ignacio