Ilang paaralan, posibleng ipagpaliban ang pasukan dahil sa pinsalang dulot ng habagat at bagyong Carina – DepEd

Facebook
Twitter
LinkedIn

Posibleng ipagpaliban ang pagbubukas ng klase sa ilang paaralan na napinsala ng nagdaang habagat at bagyong Carina.

Sa isang pahayag, sinabi ni Education Secretary Sonny Angara na ang mga paaralang may malubhang pinsala ay bibigyan ng panahon upang makapagsagawa ng pagkukumpuni at paglilinis.

Hindi aniya pipilitin ng Department of Education (DepEd) ang mga paaralan na nasalanta at nahihirapan sa pagbubukas ng klase.

Habang ang mga paaralang walang pinsala o minimal lamang ang pinsala ay itutuloy ang pagbubukas ng klase sa Lunes, July 29.

Samantala, maglalabas din ang DepEd ng listahan bukas ng mga paaralang ipagpapaliban ang pasukan.

Patuloy ding makikipagtulungan ang mga regional director ng ahensya sa mga principal upang i-assess ang kahandaan ng mga paaralan sa pagbabalik eskwela. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us