Ilang paaralan sa Muntinlupa City at Cavite, binisita ni Education Secretary Angara sa pagbubukas ng klase

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binisita ni Education Secretary Sonny Angara ang ilang paaralan sa Muntinlupa City at Carmona, Cavite ngayong araw.

Unang pinuntahan ng kalihim ang Carmona National High School at Carmona Elementary School sa Cavite upang tiyakin ang kahandaan ng mga paaralan sa pagbubukas ng klase.

Nagkaroon din ng maikling forum si Secretary Angara kasama ang mga opisyal ng Carmona Local Government Unit, DepEd Central Office at Regional Office upang mas maunawaan ang sitwasyon ng mga guro at mag-aaral sa Carmona, Cavite.

Naglaan din ng oras si Angara upang silipin at kausapin ang mga mag-aaral at guro.

Matapos ang pagbisita sa ilang paaralan sa Carmona, Cavite, dumiretso naman si Angara sa Muntinlupa National High School upang makita ang kasalukuyang sitwasyon ng mga klase sa naturang paaralan.

Kinausap din ni Angara ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan at mga guro ng paaralan, upang talakayin ang kanilang mga karanasan at pagsubok sa unang araw ng klase para sa School Year 2024-2025. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us