Ilang reporma at achievement sa agri sector, inilatag ni Pangulong Marcos Jr. sa ikatlong SONA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umakyat na sa higit 130,000 titulo ng lupa ang naigawad ng Marcos Administration sa mga benepisyaro ng pamahalaan.

Nasa higit P57 billion na halaga ng utang ng mga magsasaka ang napawalang bisa, at higit 70,000 kaso ng agrarian reform ang naresolba ng pamahalaan.

Ilan lamang ito sa mga nagawa ng Marcos Administration sa nakalipas na taon.

Sa ikatlong SONA, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na higit 500 million fingerlings na ang naibigay sa mga mangingisda. Higit 100 million kilo ng sari-saring binhi na rin ang naipamahagi, at higit 300,000 inahing manok ang naibigay ng gobyerno upang mapalakas ang agri sector ng Pilipinas.

Sa pinaigting na customs procedures at heightened enforcement efforts, napigilan ng pamahalaan ang iligal na pagpasok ng higit P2.7 billion na halaga ng smuggled fishery product, na negatibong makakaapekto sa presyo sa merkado ng Pilipinas.

“Nagsasagawa rin tayo ng mga kaugnay na hakbang upang pababain ang presyo at madagdagan din ang ating supply ng pagkain. Because of compelling emergency reasons, such as illegal price manipulations by hoarders, we were constrained to temporarily implement mandated price ceilings on rice. We also extended the reduced tariff rates to facilitate the importation of rice, corn, and pork until the end of this year. Tinitiyak ko sa ating mga magsasaka at sa buong sektor ng agrikultura na ang mga ito ay pawang pangka-gipitang solusyon lamang.” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Photo: Philippine News Agency

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us